Feeds RSS

Tuesday, December 2, 2008

Mga palatandaan kung ang isang tao mahal mo na

Mga palatandaan kung ang isang tao mahal mo na..




naiinis ka kapag di ka nya pinapansin.

gustong gusto mo syang laging kausap, nakikita, basta malapit lang lagi sa kanya.

inaaway mo sya kasi namimiss mo sya.

wala kang makitang pangit sa kanya.

sya ang huling naiisip mo bago matulog at pinakaunang pumapasok sa isip mo pagkagising.

kapag nagsasabi sya na may lakad, tinatanong mo kung sinong kasama, saan sya pupunta, anong oras uuwi kasi nga concern ka na sa kanya.

pag gising mo sa umaga tinitingnan mo ang cellfon mo, hoping na sya ang unang text na mababasa mo.

kapag may sakit sya.. pinapagalitan mo pa kahit ang totoo worried na worried ka sa kanya.

kahit minsan walang sense ang sinasabi nya, gustong gusto mo pa ring makinig sa mga kwento nya

at higit sa lahat na palatandaan kung mahal mo na ang isang tao,, pinagseselosan mo na ang mga taong lumalapit at nagpapapansin sa kanya.


========================================

ang aga aga pa wala namang magawa.. nagiisip na naman kasi ako ng bagong blog hehe.. hmm ituloy ko na lang kaya yong blog ko about naruto shippuden ala lang malay natin maging first page na yon sa google next time na icrawl ng spider yon, mga videos lang naman then yon na.. bahala na si batman. bakit nga pala maaga akong nagising?? hmm nagtext pala si bhel kanina nagtatampo ata,, di ko na kasi tinitext hhmm wala na tin naman kasi akong tinetext ngayon na mga panahon, nawalan na akong ganang magcellfon. makipagusap kahit sa mga kakilala ko.. hindi na ako naging interesado kahit kanino.. hay kakalungkot b? may namimiss naman akong isang tao kaso un nga lang ako yata di nya naman nmimiss,, lapit na ng pasko,, nothing special.. siguro kung umuwi sya ngaun ang saya siguro ng pasko ko,, sana maalala nya naman ako kahit papano..

kainis naman ang background music ko, heaven knows.. sino ba naman ang di maiiyak nyan.. "maybe my love will come back someday only heaven knows. maybe our hearts will find a way only heaven a

Friday, November 28, 2008

tic tac tic tac

saturday na naman bukas ala lang kung student pa ako yon ang araw na pinakagusto ko kasi syempre walang pasok, ngayon wala na akong favorite day,, araw araw kasi malungkot na lang ako,, may isang tao akong namimiss ng sobra pero iniiwasan ko naman dahil yon ang gusto nya ang wag na kaming magusap namimiss nya kaya ako? kumusta na kaya sya? sana ok lang, nakakamiss din talaga sya sobra sana naman talaga ok lang sya..iwasan nya na ang mga masama sa kanya, kelan kaya sya uuwi? gusto nya pa kaya akong makita pagkatapos ng mga ngyari sa amin? sana naman kasi ala lang gusto ko tlaga syang makita kahit wala ng dahilan para gawin nya pa yon,, grabe sya na lang lagi kong naiisip. start ng minahal koo sya di na sya mawala sa puso at isip ko eh, swerte ko sana na ako ang mahal nya kaso kapasawayan ko eh, ayon napagod na sa kakaintindi sa akin at ayaw na akong kausapin pasaway din kasi ako, dinadamay ko sya sa dami ng problema ko. nagalit tuloy sya ng tuluyan sa akin kaya anong napala ko iniwan nya na tlaga.. iyak iyak na lang ako kasi ala na akong magagawa eh, pag ayaw non wala ng makakapag pabago pa. saka ayoko na rin naman syang saktan pa kaya yon kahit mahirap layuan sya kinakaya ko na lang kaysa naman paulit ulit ko syang masaktan. baka nga padalhan na nya ako ng bomba dito. ok lang kung para sa kanya ako mamamatay,, kaligayahan ko na kasing pagbigyan lahat ng gusto nya, sayang nga lang talaga.. nakakapanghinayang din yong mga pinagsamahan namin.. kahit ata bilang kaibigan ayaw nya na sa akin..

just An ordinary day

kumusta kana kaya wala na akong balita sayo ngaun eh sna lagi kang nasa maayos na kalagayan,, walang problema. at di nagpapabaya sa sarili. kasi magaalala ako ng sobra sayo alam mo naman yon diba na napalahalaga mo sakin.. at di ka pa rin mawala sa isip ko kahit anong gawin ko. hay namimiss talaga kita,, ako kaya namimiss mo rin? siguro dami mo na jan manliligaw,, ipagpapalit mo na kaya ako? hay ewan katangahan ko naman kasi kaya tayo nagkahiwalay eh.. pero sana yong ipagpapalit mo sakin yong kaya kang alagaan at di ka talaga sasaktan,, sakin kasi lahat na lang sakit ng loob binigay ko sayo kainis nga eh kasi alam mo naman na mahal tlaga kita pero sinaktan parin kita.. eto nagsisisi man wla na akong magagawa,, tapos na yong sa atin.. hanggad ko na lang na sana kahit papano eh mahanap mo na yong mga hinahanap mo. kasi nahanap mo na sakin eh sinayang ko pa rin.. kung di ba naman ako tanga na pinabayaan ko ang pagmamahal mo sakin.. kaya to,, lagi ko na lang sinisisi ang sarili ko.. gustohin ko man lumapit sayo para mangumusta man lang di ko magawa kasi nahihiya ako sa mga nangyari.. sa mga pananakit ko sayo.. ang sama ko talaga.. u dont deserve me. un na lang paulit ulit na pumapasok sa isip ko kapag may mga times na gusto kitang itext,, kauspin.. ang mga bagay na yon ang pumipigil sakin.. kasi ewan ko ba kung bakit nagkaganito ako,, magulo n nga talaga ang buhay ko ngayon,, sorry talaga ha,

oi ikakasal na daw si lucille hehe invited pa ako, ok lang hay no hurt feelings na talaga happy na ako sa kanya sa kung ano man ang naachieve nya sa buhay.. sino kaya ang mapapangasawa nya? yong russel siguro na kinikwento nya dati,, sana nman alagaan nya si lucille noh. kasi alaga ko kaya un ng kami pa. swerte na sana sya sa love life nya.. ako ok lang talagang wala na akong iniisip kundi sarili ko na lang hay ako nga hirap sa buhay kukuha pa ba ako ng dagdag, hmmm pero kumusta na kaya ang mahal ko? hay sana sya ok na rin,, tingnan mo nga naman mga x ko ang saya na sa buhay nila..

Monday, November 10, 2008

I just dont wanna be lonely

hirap pala mag-isa nanakalungkot hehe ngaun lang ako nakaramdam ng ganito kalungkot sa buong buhay ko. hay hirap lalo nat may tao ka na labis na hinahanap na sana kasama mo sya ngaun yong tipong kapag nakita mo sya ang tanging gusto mong gawin ay yakapin sya at wag ng pakawalan pa.. sana alam nya yon., lam nya sana noh,, ala lang.. sana masaya lang sya lagi,, di sya mawala sa isip ko eh kahit anong gawin ko sabagay ayaw ko naman ata talaga syang kalimutan hehehe pero ok lang mahal na mahal ko kasi sya.. ako kaya mahal nya pa kaya tulad ng dati.. sagot ko ewan, di na rin naman kasi nya pinaparamdam eh. saka sa dami ng taong nakapaligid don ewan ko lang kung naiisip nya pa ako eh,, sabi nya oo daw eh,, eh yon ang sabi nya di pagbigyan. oh diba :) hehe

hmm sarap naman ng background song ko beyonce knowles hmm,, all time favorite..

eto busy na naman sa typing lesson ko hehehe self study lang naman ng college days ko kasi wala kaming typing kaya di ko alam ang mga home keys na yan,, ngayon lang nakaisip na pag-aralan hehe... ok na rin naman medjo saulo na ang mga keys di na tumitingin sa keyboard.. kaso ang kulit pa rin ng ring finger ko sa kanan ayaw pa rin magtino eh.. hmmm ang kinaganda pala kapag nagtatype ng di nakatingin sa keyboard mas kunti ang typographical error kasi nakikita talaga kung ano ang mga sinusulat hehe.. saka di malikot ang kamay,,kaso un nga lang di ko pa alam ang typing speed ko.. pero saka na yon kapag kabisado ko na talaga ang mga keys..
sabi nga practise makes everythings perfect oh di ba tama naman kasi sa una hirap na hirap kaya ako talagang tumatalon yong kamay ko..

fell na feel na feel ko ngayon ang rNb hiphop hehe.. sabi nga ng brother ko kala nya daw hindi ako hiphop hehe dati kasi rNB lang ang pinapakingan ko,, ngayon natuloy sa hiphop hehe,,

pero depende naman kasi sa trip noh,, minsan mga drama lang.. or minsan praise song.. hehehe habang nagtatype ako dito may isang daga na sisilip silip sakin.. wala naman akong makain sa mesa para mag join sya dito sa mesa hehe..

oo nga pala hindi pa nga pala talaga ako kumakain kanina pa; anong oras na ba? hay gabi na kaya,, masilip nga muna sa cp ang oras, 8:37pm na pala .. nakatulog kasi ako kanina kaya di ko napansin ang oras..

hahaha natatawa ako sa kanta " Nobody wanna see us together but its dont matter " hehe kasi yong hmm mahal ko... i mean kapag nalaman ng mga friend nya na ako ang ano nya malamang madaming magtataas ng kilay hehe. . pero hiwalay na rin naman kami,, kahit isang friend nya wala akong nakilala... ganun nya ako itinago.. ok lang naman sakin yon kasi di naman yong mga friend nya ang mahalaga...

hay ang gulo ng buhok ko .. wala akong makuha na pang tali kaya ito.. chopstick na lang ang ginamit ko hahahaha.. pasaway noh,,

hirap ng walang kausap itong notepad na lang ang nagttayaga sakin hehe.. kasi dito ako nagtatype eh.. namimiss ko tlaga ang sweetheart ko sobra ,, di pa sya nagtetext,, tigas talaga ng ulo ko kasi dapat naman talaga di na ako naghihintay na itext nya pa.. ayaw pa tlagang mag quit ang puso ko... kulit noh, nakukulitan na kaya zya sa akin?

napapagod na ako magtype.. maya naman... tulog na lang siguro ako .. wala namang magawa ehh..

The Authors Information

Personal Statistics


NickName:
  • Bing (Family),
  • Beth (friends),
  • Bethlogs (Pangster),
  • betchay (Ding),
  • bitoy (Lydda-Kun),
  • Bethoven
  • Nievez

Job Title : I.T. Staff ; Chat Support Agent

Age: 25

Birth Date: September 14, 1983

Birth Place: Malinao, Albay

Height: 157 cm.

Weight: 59 kgs.

Religion: Roman Catholic

Civil Status : Single

Gender : Female

Nationality: Undefined

Hobbies : Kumain ; Char-Charan..


FAVORITE's :

Singer : Mariah Carey

Artist : Da Vinci

Scientist : Einstien

Anime : Naruto ; One Piece ; Prince Of Tennis ;

Website : onemanga.com ;

Anime Character: Sai,Hyuuga Hinata (Naruto Shippuden); Nami, Luffe (One Piece)

Celebrity: Anne Hathaway;

Author : Shakespeare

Porn star : Maria Osawa

Number : 08

Country : Europe Country

Search Engine : Google

Food: Sea Foods

Color: White

Books: Falling forward

Animals: Dog, Cats

Place: SeaShore ; Ssshhhhhhh....

Drinks: Pineapple Juice

Gadgets : digicam, mac notebook, ipod

Tuesday, November 4, 2008

The Way I Am

hmmm first of all bakit ko nga ba ginawa ang blog nato? siguro wala lang hehe kasi wala lang makausap kaya ito net ang kinakausap. ok narin siguro diba? wala namang masama siguro ipopost ko lang naman dito mga naiisip ko oh mga fave video ko.